Shootout: 2 maninikwat todas

BACOLOD CITY — Dalawa sa apat na kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng robbery-holdup gang ang napatay ng mga tauhan ng pulisya makaraang makipagbarilan sa bahagi ng Barangay Dancalan sa bayan ng Ilog, Negros Occidental kamakalawa. Kabilang sa napatay ay sina Alfredo Sanao na wanted sa kasong murder at carnapping at Francisco Enderes na kapwa residente ng Barangay Bocana, Ilog. Ayon kay SPO1 Edwin Fernandez, may nakalap na impormasyon ang pulisya tungkol sa magaganap na nakawan sa bodega na pag-aari ni Jasmine Gequillana.

Binantayan ng pulisya ang nasabing lugar hanggang sa maaktuhan ang mga suspek at naganap ang shootout. (Ulat ni Antonieta Lopez)

Show comments