^

Probinsiya

Guro binoga sa klasrum

-
STO. TOMAS, Batangas — Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang elementary teacher at isa sa mga estudyante nito makaraang barilin ng malapitan ng hindi pa kilalang lalaki habang nasa klasrum ang mga biktima noong Lunes ng umaga, Hunyo 20.

Agad namang isinugod sa Mercado Hospital sa Tanauan City ang teacher na si Carolina Montero, 56, adviser ng isang section sa grade VI sa San Francisco Elementary School, habang tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril sa paa si Dindo Maguadin, 11-anyos.

Sa ulat na isinumite ni SPO3 Edwin Belendrez sa tanggapan ni P/Chief Inspector Raul M. Tacaca, hepe ng PNP sa bayan ng Sto. Tomas, bandang alas-nuebe ng umaga habang nagtuturo si Montero sa mga estudyante sa loob ng klasrum nang mapansin nito ang suspek na may ilang minuto nang nakatayo sa tabi ng kanilang bintana.

Dahil sa nakakasira ng atensyon sa mga estudyante, nilapitan ng guro ang hindi kilalang lalaki upang kausapin at paalisin sana.

Gayunman, bago pa makapagtanong si Montero ay binaril na ito ng lalaki at mabilis ding tumakas sakay ng motorsiklo na naghihintay sa labas ng gate ng nabanggit na eskwelahan.

May teorya ang pulisya na paghihiganti ang motibo ng pamamaril dahil sa pagiging istrikto at madalas na nanghihiya umano ng mga estudyante na ikinagalit ng isa sa mga magulang ng mga ito. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BATANGAS

CAROLINA MONTERO

CHIEF INSPECTOR RAUL M

DINDO MAGUADIN

EDWIN BELENDREZ

MERCADO HOSPITAL

SAN FRANCISCO ELEMENTARY SCHOOL

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with