^

Probinsiya

Anak dinedo sa kaarawan ng ama

-
ALITAGTAG, Batangas – Hindi akalain ng isang ama na huling kaarawan na nitong makakapiling ang sariling anak na lalaki makaraang mauwi sa patayan ang simpleng biruan sa birthday party matapos barilin ang biktima ng kainuman nito sa Barangay Ping-as Coral sa bayang ito noong Lunes ng gabi.

Sa ulat na isinumite ng Alitagtag PNP sa Batangas Police Provincial Office, nakilala ang biktimang si Niño Mauleon, 21, binata, anak ng may birthday na si Manuel Mauleon na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na nakilalang si Jessi Pasalbon, 44, kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon, napag-alamang bandang alas-8:30 ng gabi habang nag-iinuman ang biktima at suspek nang bigla nalang itong magkabiruan at magkapikunan sa ’di malamang dahilan.

Kaagad binaril ng suspek ang batang Mauleon na tumama sa dibdib nito.

Nagawa pang maisugod sa Martin Marasigan Memorial Hospital ang biktima, subalit idineklarang patay ng ilang doktor. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ALITAGTAG

ARNELL OZAETA

BARANGAY PING

BATANGAS

BATANGAS POLICE PROVINCIAL OFFICE

JESSI PASALBON

KAAGAD

MANUEL MAULEON

MARTIN MARASIGAN MEMORIAL HOSPITAL

MAULEON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with