Hello Garci tapes nasa supermarket

Camp Crame Isang plastic shopping bag na nakalagay sa baggage counter ng isang supermarket ang nasamsaman ng mga compact discs (CDs) na naglalaman ng kontrobersyal na ‘Hello Garci’ tapes at isang basyo ng magazine ng M-14 rifle sa Angeles City kamakalawa.

Ang ‘Hello Garci ‘ tapes ay umani ng popularidad matapos na magkainteres ang milyong Filipino na ibig makarinig ng kontrobersyal na ‘wiretapped conversation ‘sa umano’y sabwatan sa pandaraya sa 2004 national elections sa pagitan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Comelec Commissioner Virgillo Garcillano.

Base sa report, agad nagresponde sa Johnny’s Supermarket ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Angeles City Police matapos makatanggap ng impormasyon na naka-check-in sa nasabing supermarket ang ilang piraso ng ‘Hello Garci’ tapes.

Nasamsam sa lugar ang isang plastic bag na may pulang stripe na may lamang apat na kulay kayumangging envelope, isa rito ay may kasamang isang basyo ng M14 magazine at apat na kontrobersyal na CDs.

Agad namang ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Chief Supt. Alejandro Lapinid na iturn-over sa Camp Crame ang nakumpiskang CD’s na di natukoy kung sino ang may-ari. (Joy Cantos)

Show comments