Kabilang sa nasawi ay nakilalang sina Cpl. Alvin Rambac; Cpl Ariel Ramos; Cpl. Gerry Ferrer; Pfc Jerwin Harvin; Pfc Norman Usbal; Pvt. Jerry Jacinto; Pvt. Dominador Galicia; Pvt. Wensel Comador at Pvt. Ricardo Niñalga.
Kinilala naman ang mga sugatang kawal na sina: Lt. Emmanuel Latay; Staff Sgt. Dominic Callueng at Pfc. Josefino Limos na pawang ginagamot sa Bessang Hospital.
Napag-alamang lulan ng trak ang mga biktimang miyembro ng Armys 50th Infantry Battalion habang nagsasagawa ng operasyon sa nabanggit na barangay nang tambangan ng mga rebelde bandang alas-kuwatro y medya ng hapon.
Nilinaw naman ni Lt. Col. Preme Monta, tagapagsalita ng AFP-Northern Luzon Command na taliwas sa nakalap na impormasyon na inihayag ni P/Senior Supt. Crispin Agno, Ilocos Sur provincial chief, ay siyam lamang at hindi labing-isang sundalo ang nasawi sa madugong pananambang.
Sa pahayag naman ni Lt. Col. Buenaventura Pascual, AFP-PIO chief, na ang nasabing okasyon na dapat sanay dadaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan at mga diplomat ng Estados Unidos at Britanya ay kinansela bunga ng insidenteng ito. Ang pananambang sa siyam na kawal ng Philippine Army ay naganap isang araw matapos mapatay ng tropa ng militar ang labing-anim na rebeldeng kasapi ng Rebolusyonaryong Hukbo ng Bayan (RHB) sa madugong sagupaan sa Bahagi ng Barangay San Nicolas, Mexico, Pampanga. (Ulat ni Joy Cantos)