^

Probinsiya

Anak sinamurai ng ama, todas

-
ILIGAN CITY – Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang menor-de-edad na lalaki makaraang pagtatagain ng dalawang samurai na hawak ng sariling ama na pinaniniwalaang lango sa droga habang tatlo pa ang malubhang nasugatan sa naganap na amok sa bahagi ng Purok 3, Barangay Saray sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Hindi na sinikatan ng araw ang biktimang si Macod Malawane Jr., 11-buwan, habang nasa kritikal na kondisyon sina Jossie Paras Malawane, ina ni Macod; Aldredo Paras, ama ni Jossie; at Casem Ampang, 20, kapitbahay ng pamilya Malawane.

Samantalang sugatan ang suspek na si Macod Malawane Sr., 37, matapos na mabaril ng pulis na rumesponde sa naganap na insidente.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Venecio S. Reuyan ng presinto 5, bandang alas-6:45 ng umaga nang tangkain ng suspek na lango sa droga na sinusunog ang sariling bahay, subalit napigilan ng asawang si Jossie.

Dahil sa naudlot na panununog ay nag-amok ang suspek hawak ang dalawang samurai at pinagtataga ang sariling anak na labing isang buwan gulang.

Ayon pa sa ulat, binalingan ng suspek si Ampang habang inaapula ang nasusunog na bahay ng pamilya Malawane kaya malubhang nasugatan.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng pulisya at binaril sa tiyan ang suspek upang maparalisa. (Ulat ni Richel V. Umel)

ALDREDO PARAS

BARANGAY SARAY

CASEM AMPANG

CHIEF INSPECTOR VENECIO S

JOSSIE

JOSSIE PARAS MALAWANE

MACOD MALAWANE JR.

MACOD MALAWANE SR.

MALAWANE

RICHEL V

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with