2 preso patay sa bigong jailbreak
June 13, 2005 | 12:00am
Camp Crame Dalawang bilanggo ang napatay ng mga nagrespondeng jailguard matapos na tangkaing tumakas sa kanilang kinapipiitang selda sa Sultan Kudarat Provincial Jail, Kalawag II, Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa.
Kinilala ang mga napatay na preso na sina Johari Wahab, 23-anyos at Melham Abubakar, 20; kapwa nahaharap sa kasong murder at frustrated murder.
Base sa report, dakong alas-11:20 ng umaga nang tangkaing tumakas ng mga ito sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang improvised na hagdanan sa silangang bahagi ng mataas na bakuran ng nasabing piitan.
Gayunman ay agad ang mga itong napansin ng jailguard na si Joriel de la Madrid, duty guard sa Post Number 2 gate kayat agad inalerto ang kaniyang mga kasamahan sa nasabing piitan.
Subalit sa halip na sumuko ay nagpatuloy sa pagtakas ang dalawang bilanggo kaya napilitan ang mga jailguard na barilin ang mga ito hanggang sa napatay sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Narekober mula sa bangkay ng dalawang preso ang dalawang piraso ng icepicks habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended