3 dinedo ng adik
June 8, 2005 | 12:00am
ORION, Bataan Tatlo-katao kabilang na ang sanggol na nasa sinapupunan ng 17-anyos na babae ang pinatay ng isang lango sa droga sa naganap na karahasan sa Upper Bilolo, Orion Bataan, kamakalawa.
Kabilang sa pinaslang ay sina: Sally Tauro, 17, apat na buwang buntis, at ang pinsang nitong si Jerome Balila Aquino, 12, grade VI, ng nabanggit na barangay.
Naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Ronaldo Santos y Quicho, 31, may-asawa, trabahador sa isang junkshop.
Sa imbestigasyon ni PO1 Lemuel Aguilar, naitala ang krimen bandang alas-kuwatro ng madaling-araw matapos na pumasok ang suspek sa bahay ng mga biktima.
Namataan ni Jerome ang suspek na hinuhubaran ng damit si Sally na natutulog kaya ito nagmamadaling bumangon upang huminggi ng tulong.
Subalit agad namang hinabol ng suspek at nang maabutan ay dinala sa banyo at doon nilunod sa drum ng tubig hanggang sa mapatay.
Nagkataon namang nagising si Sally at naaktuhang ang suspek kaya nagmadaling tumakas palabas ng kanilang bahay, subalit pinatay din siya sa pamamagitan ng tuwalyang itinakip sa mukha.
Ayon pa sa ulat, ang mga bangkay ng biktima ay hinila ng suspek patungo sa kanyang kwarto at itinago sa isang plastik kabinet, subalit hindi nagtagal ay nadiskubre ang krimen. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 21 hours ago
By Cristina Timbang | 21 hours ago
By Tony Sandoval | 21 hours ago
Recommended