Dead on arrival sa Camiling District Hospital ang biktimang si Brgy. Captain Artemio Carmen Sr. ng Brgy. Quinones, Mayantoc ng lalawigang nabanggit.
Samantalang sanhi ng grabeng kondisyon sa tinamong mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay kinailangang ilipat sa Ramos Hospital ang kanyang mag-inang sina Juanita at Artemio Jr. para sa kaukulang medikasyon.
Sa ulat, bandang alas 10:25 kamakalawa ng tanghali habang ang mga biktima ay lulan ng isang Brgy. Patrol Susuki multicab galing sa palengke nang paulanan ng bala ng dalawang suspek na pawang nakasuot ng camouflage sa kahabaan ng Provincial Road, Brgy. Poblacion Sur, Mayantoc.
Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng caliber 9 MM pistol. Isang follow-up investigation ang isinasagawa ng pulisya para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. (Joy Cantos )