Base sa report, kinilala ang dalawa sa mga namatay na ang paslit na si Wina Mandag at ang septuagenarian na si Roberto Ong, 65 anyos habang kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng iba pa sa mga biktima na pawang nagmistulang uling ang mga bangkay.
Nabatid na dakong alas 2:45 ng madaling araw ng masunog ang 2 storey na gusali ng isang junk shop ng Basco & Mandy Scrap Metal na mabilis na kumalat sa kalapit na canteen sa kahabaan ng Magay Road , Governor Lim Avenue ng lungsod na ito.
Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Zamboanga City sa nasabing lugar pero nabigo na ang pagtatangkang mailigtas ang anim na biktima na pawang na-trap sa nasabing sunog.
Naapula ang sunog matapos ang may dalawang oras dahilan masyado ng malaki ang apoy at narekober sa lugar ang anim sa mga bangkay na pawang halos di na makilala.
Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang biktima. Tinataya namang aabot sa mahigit P1M ang naging pinsala sa sunog na kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad.