Gitgitan sa trapik, drayber dinedo
June 5, 2005 | 12:00am
CAVITE Pinaniniwalaang gitgitan sa trapik ang naging dahilan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na traysikel drayber ng dalawang hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa lansangang sakop ng Barangay Daang Amaya 2, Tanza, Cavite kamakalawa. Napuruhan sa katawan si Artemio Arcosa ng Barangay Julugan matapos na upakan ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang ang biktima ay nagmamaneho ng traysikel.
Ayon kay SP01 Celino Javier, wala namang nakasaksi sa tunay na insidente, maliban sa sunud-sunod na putok ng baril ang narinig ng isang sekyu malapit sa pinangyarihan ng krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest