^

Probinsiya

Palawan itinangging malaria hotspot

-
Itinanggi ni Palawan Rep. Abraham Mitra na ang Palawan ang maituturing ngayong ‘malaria hotspot’, kahit doon pa nakuha ni Reyster Langit ang kanyang sakit na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon kay Mitra, mismong sa website ng Department of Health ay makikitang ang Cagayan Valley at hindi ang Palawan ang hotspot ng sakit na malaria.

Niliwanag ni Mitra na hindi niya itinatangging may kaso ng malaria sa Palawan, pero hindi aniya totoo na delikadong pumunta sa kanilang lugar.

Hindi aniya sa malaria dapat katakutan ng publiko, kundi ang sakit na dengue kung saan 3,771 katao na ang tinamaan at 53 ang namatay sa unang 120-araw ng taon.

Hiniling din ni Mitra sa Department of Health na magsagawa ng agarang aksiyon upang mapigil ang pagkalat ng malaria, hindi sa Palawan kundi maging sa ibang pang panig ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ABRAHAM MITRA

AYON

CAGAYAN VALLEY

DEPARTMENT OF HEALTH

HINILING

ITINANGGI

MALOU RONGALERIOS

PALAWAN

PALAWAN REP

REYSTER LANGIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with