Mister dinedo ng ka-live-in
June 2, 2005 | 12:00am
BUENAVISTA, Quezon Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 43-anyos na mister ng kanyang live-in partner makaraang tangkaing patayin ng una ang babae sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bukal sa bayang ito kamakalawa ng gabi. Halos maputol ang leeg ng biktimang si Jesus Carabuena, samantalang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Imelda Barotel. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Arlyn Elera, senglot ang biktimang may hawak na itak nang dumating sa sariling bahay at ginising ang suspek.
Nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa hanggang sa tangkain ng biktima na patayin ang suspek, subalit mabilis nitong naagaw ang itak at napatay ang lalaki. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)
Nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa hanggang sa tangkain ng biktima na patayin ang suspek, subalit mabilis nitong naagaw ang itak at napatay ang lalaki. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest