2 kawal todas sa kabaro
June 1, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dalawang sundalo ang nasawi kabilang ang isang tinyente na bagong gradweyt ng Philippine Military Academy (PMA) Class 2005 habang isa pa ang nasugatan sa naganap na misencounter sa Barangay Habag, Lanuza, Surigao del Sur.
Kinilala ni Armys 4th Infantry Battalion (IB) Spokesman Major Alexis Noel Bravo ang nasawing sundalo na sina Lt. Peter Vinluan at Pfc. Marlon Dahunan habang sugatan naman si Pfc. Nasser Arbane, 34. Si Vinluan ay miyembro ng PMA "Sanlingan" Class 2005.
Base sa ulat, kasalukuyang nagsasagawa ng re-supply mission ang tropa ng Armys 58th Infantry Battalion (IB) lulan ng military vehicle dakong alas-10:30 ng gabi nang paputukan ng kanilang mga kasamahang sundalo na kanilang ipi-pickup sa Lapag Village sa nasabing bayan.
Gayunman, iginiit ni Bravo na hindi umano misencounter ang nangyari kundi accidental firing dahil walang naganap na palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
"The team abroad the truck was asking for a password and the team they were supposed to pick up from the vicinity failed to answer the challenge for password," pahayag ni Bravo.
"The area is very dark, so the need to respond for the password challenge is a must," paliwanag pa ng opisyal.
Kaugnay nito, ayon kay Bravo ay bumuo na ng Fact-Finding Team Committee sa 4th Infantry Division Commander Major Gen. Samuel Bagasin para magsagawa ng imbestigasyon sa naganap na insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest