PNP sa Gapo inutil sa tupadahan
May 24, 2005 | 12:00am
OLONGAPO CITY Naging inutil ang pamunuan ng pulisya sa lungsod na ito maging ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan na masugpo ang nagkalat at lumalalang sugal partikular ang ilegal na tupada sa ilang barangay.
Kabilang sa lumalalang sugal ay ang operasyon ng tupadahan sa compound ng slaughterhouse sa Barangay Gordon Heights, Olongapo City na pinaniniwalaang protektado ng ilang tiwaling opisyal ng lokal na pamahalaan at maging ng ilang opisyal ng pulisya.
Base sa impormasyon ng PSN, isang bigtime Tsinoy trader na may alyas na Johnny Foo ang hinihinalang financier ng illegal na operasyon ng sabungan at pinaniniwalaang malakas ang koneksyon sa ilang tiwaling opisyales ng naturang lungsod at kapulisan.
Sinasabi pa na ang impluwensiya ni Foo ay umaabot hanggang sa Camp Olivas, Pampanga at lingguhan ang payola ng ilang opisyal ng PNP na nakatalaga sa nasabing kampo, kung kayat dalawang pulis ang itinalaga kay Foo bilang alalay nito.
Napag-alaman pa na ipinagmamalaki ng grupo ni Foo ang ibinigay na mayors permit na nakuha mula kay Olongapo City Mayor James "Bong" Gordon Jr., kayat walang magawa ang mga kinauukulan hinggil sa ilegal na tupada.
Subalit, ayon sa isang tauhan ng pulisya, tanging ang pamunuan ng Games and Amusement Board (GAB) ang maaaring magbigay sa kanila ng permit para maging legal ang naturang operasyon ng tupada. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am