NPA commander, 2 pang preso pumuga
May 23, 2005 | 12:00am
Camp Crame Tatlong preso kabilang ang isang naarestong Commander ng New Peoples Army (NPA) ang tumakas sa kanilang kinapipiitang selda sa naganap na jailbreak sa Provincial Jail na matatagpuan sa Borongan, Eastern Samar, ayon sa ulat kahapon.
Ang insidente ay naganap walong oras matapos na bumisita si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Eastern Samar.
Kinilala ang tumakas na lider ng communist movement na si Gregorio Tadel alyas Commander Amir ng Executive Committee ng Eastern Samar Regional Provincial Committee ng NPA na aktibong nag-ooperate sa lalawigan.
Ang dalawa pang pinaghahanap na preso ay nakilala namang sina Rogelio Basibas ng Brgy. Camperao, Borongan at Benjamin Madolid ng Brgy. Laurel, Mc Arthur, Eastern Samar.
Base sa report, dakong alas-7:30 ng gabi habang nag-iisa lamang ang bantay ng pamunuan ni Commander Amir ang kanilang pagtakas matapos na tutukan ng cal. 38 revolver ang duty jailguard dito na dinis-armahan rin ng shotgun.
Wala namang nagawa ang jailguard ng pagtulungan ng tatlo na sinamantala ang kadiliman ng gabi sa kanilang pagtakas.
Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad kung paano naipuslit ang naturang armas na ginamit ng nasabing rebel leader.
Isang malawakang manhunt operations ang inilunsad ng magkasanib na puwersa ng pulisya at militar laban sa tatlong pugante.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 8 hours ago
By Cristina Timbang | 8 hours ago
By Tony Sandoval | 8 hours ago
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am