^

Probinsiya

2 pulis, 3 pa nadakma sa kotong

-
SANTIAGO CITY, Isabela – Dalawang kagawad ng pulisya at tatlo pang sibilyan ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad makaraang maaktuhang sa kasong kotong kamakalawa ng gabi sa gasolinahang sakop ng Barangay Mabini sa lungsod na ito.

Sa ulat ni kay P/Supt. Rolly Diaz, hepe ng Santiago City PNP kay Chief Supt. Jefferson Soriano, police regional director ng Cagayan Valley, nakilala ang mga suspek na sina SPO1 Benchito Cristobal, PO1 Dennis Salvejo, kapwa nakatalaga sa Regional Mobile Group; ex-NBI agent Rosendo Colendrino; Danilo Leano at James Cristobal, anak ni SPO2 Cristobal.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa nang makatanggap ang opisina ni Diaz ng tawag mula sa himpilan ng PNP Echague, kaugnay sa nakatakdang pakikipagkita ng mga suspek sa dalawang Bombay dala ang P.2-milyon na hinihingi ng mga suspek.

Agad namang pinapostehan ni Diaz ang gasolinahan kung saan magkikita ang mga suspek at dalawang biktima na nakilalang sina Kuldeep Sigh at Baltgit Sigh, kapwa negosyante.

Ayon pa sa ulat, hindi na nakapalag ang mga suspek nang maaktuhan ng kanilang kabaro, bagama’t tinangka pa ng mga ito na pumalag, subalit mabilis namang dinis-armahan ng mga kagawad ng pulisya na nakapalibot sa pinostehang lugar. (Ulat ni Victor Martin)

BALTGIT SIGH

BARANGAY MABINI

BENCHITO CRISTOBAL

CAGAYAN VALLEY

CHIEF SUPT

DANILO LEANO

DENNIS SALVEJO

DIAZ

JAMES CRISTOBAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with