Misis tinodas sa kusina

CAVITE — Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang 46-anyos na misis ng kanyang live-in partner habang ang biktima ay naghuhugas ng plato sa kanilang bahay sa Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kahapon ng umaga.

Napuruhan sa katawan ang biktimang si Marilou Mendoza ng Area 3 Private Lot sa nabanggit na barangay. Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO3 Carlito Gener, ang biktima ay huling namataang nakikipag-away sa kanyang live-in partner bago maganap ang krimen. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments