^

Probinsiya

P5-M Landcruiser ibibigay kay Lina

-
SUBIC BAY FREEPORT – Umaabot sa halagang P645-M ng mga kumpiskadong kargamento ang nabigong maiprisinta ng Bureau of Customs (BoC) at ng Anti-Smuggling Task Force (ASTF) kay Customs Commissioner Bert Lina ng ito ay nagsagawa ng inspeksyon sa mga nakumpiskang smuggled contrabands.

Ibunyag ng isang mapagkakatiwalaang impormante na hindi isinama ng Customs-Subic at ng task force sa representasyon kay Lina ang mga mamahaling alahas (P40-M) at ang 200, 000 piraso ng smart prepaid cards (P60-M) ng dumalaw ito sa freeport noong Biyernes.

Ilang kagamitan tulad ng mga house-wares, appliances, mga sapatos at limang luxury vehicles, pitong passenger van na pawang naka-imbak sa loob ng malaking bodega ng building 1012 sa Naval Supply Depot (NSD) ang ipinakita kay Lina nina Customs collector Atty. Marietta Zamoranos at Anti-Smuggling Task Force chief ret. Lt. Gen. Jose Calimlim.

Maliban pa dito ay isang kulay puting Toyota Landcruiser na may nakalagay sa windshield nito na seized Vehicle na sanay kasama sa representasyon ay nakita at naaktuhang inilabas mula sa loob ng nasabing bodega ng building 1012 ng isang hindi nakilalang customs personnel at dinala sa isang tagong lugar malapit sa nasabing bodega ilang sandali bago nagsagawa ng inspeksyon si Lina.

Napag-alamang nagkakahalaga ng P5-milyon ang naturang sasakyan na itinago at ipinagitna umano sa dalawang 40-footer container van ng NSD at sinasabing ipangreregalo umano kay Lina bago ito bumalik ng Maynila.

Sinubukan ng PSN na makapanayam si Zamoranos upang bigyang linaw ang naturang isyu, subalit ayon sa kanyang secretary na nakilalang Cathy ay abala ito sa kanyang mga gawain at maraming kausap. (Jeff Tombado)

vuukle comment

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

BIYERNES

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER BERT LINA

CUSTOMS-SUBIC

JEFF TOMBADO

JOSE CALIMLIM

MARIETTA ZAMORANOS

NAVAL SUPPLY DEPOT

TOYOTA LANDCRUISER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with