Trader, houseboy pinatay sa resort
May 19, 2005 | 12:00am
BARAS, Rizal Brutal na pinatay ang isang 50-anyos na may-ari ng isang resort na nanloob sa opisina nito at pinatay din ang houseboy makaraang madaanan ng mga suspek habang papatakas kamakalawa ng gabi sa Sitio Sumipit, Brgy. San Jose ng bayang ito.
Kinilala ni Rizal Provincial Director Sr. Supt. Leocadio Santiago Jr. ang mga biktimang sina Melencio Caina, may-ari ng Wells resort na nagtamo ng labinlimang saksak sa katawan at isang tama ng bala ng baril sa sentido at ang houseboy nitong si Nolito Nazilla, 23, nagtamo naman ng isang tama ng baril sa ulo.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:40 ng gabi sa opisina ni Caina.
Ayon sa katulong na si Editha Pendre, maghahatid siya ng pagkain sa kuwarto ni Caina nang makita nito ang mga suspek na tinatalian ng alambre. Lalabas sana siya, subalit nakita siya ng isa sa mga suspek at tinalian din siya ng alambre at ikinulong sa banyo.
Dagdag pa ni Pendre na nakita pa niyang pinagsasaksak ng mga suspek si Caina bago ito barilin at pagkatapos ay nilimas ang hindi pa batid na pera sa opisina at dalawang cell phone bago tuluyang tumakas sakay ng motorsiklo.
Subalit nadaanan pa ng mga ito si Nazilla na nakaupo sa guardhouse ng resort kaya binaril ito sa ulo ng isa sa mga suspek.
Hinala ng pulisya na posibleng mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang responsable sa pamamaslang dahil ayon sa pamilya ng biktima na nakakatanggap ng death threat ang biktima dahil sa hindi nito pagbabayad ng revolutionary tax.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest