^

Probinsiya

Ginilitan dahil sa manok

- Ni Tony Sandoval -
BUENAVISTA, Quezon – Halos maputol ang leeg ng isang magsasaka nang ito ay tagain ng kanyang pinagsuspetsahang nagnakaw ng manok sa Barangay Ilaya ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Patay agad sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Jose Pepito Llanera, 53, ng Barangay Ilaya habang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Florencio Alvarez, 36, binata, ng Barangay Wasay Ilaya.

Sa imbestigasyon ni PO3 Mario Adricula, may hawak ng kaso, bandang alas-5 ng umaga ay naghahanda ng kanilang almusal ang biktima at ang live-in partner nitong si Imelda Nuñez nang dumating ang suspek.

Kinumpronta ng suspek ang biktima tungkol sa nawawalang manok.

Iginigiit ng suspek na hindi siya ang kumuha ng nawawalang manok hanggang sa magkaroon nang mainitang pagtatalo.

Biglang hinugot ng suspek ang gulok sa beywang saka inundayan ng taga sa leeg ang biktima, habang mistulang manok na nagkikikisay ang huli ay nagtungo sa himpilan ng pulisya ang suspek na ngayon ay kinasuhan ng homicide.

vuukle comment

BARANGAY ILAYA

BARANGAY WASAY ILAYA

BIGLANG

FLORENCIO ALVAREZ

IGINIGIIT

IMELDA NU

JOSE PEPITO LLANERA

KINUMPRONTA

MARIO ADRICULA

PATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with