Barangay chairman itinumba
May 15, 2005 | 12:00am
VILLASIS, Pangasinan Binaril at napatay ang isang 45-anyos na barangay chairman ng hindi kilalang lalaki habang isa pa ang tinamaan ng ligaw na bala na ikinasugat nito sa labas ng gymnasium na sakop ng Barangay Unzad sa bayan ng Villasis, Pangasinan kamakalawa.
Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Cesar Macanas, samantala, ginagamot naman sa Polymedic Hospital and Trauma Center si Jeffrey Saldivar, 21, ng Barangay Bacag matapos na tamaan ng ligaw na bala ng kalibre.45 baril sa paa.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Mario Mengaracal, si Macanas ay nanonood ng basketball kasama ang ilang kaibigan.
Ilang sandali pa ay umalis na ang biktima at tiwalang naglakad mag-isa habang naiwan ang kanyang anim na alalay.
Tinyempuhan ng killer ang biktima na papasakay ng Mitsubishi pickup at isinagawa ang krimen.
Malaki ang paniniwala ng mga imbestigador ng pulisya na matinding alitan sa ilang opisyal ng barangay ang motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ulat nina Eva Visperas at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am