^

Probinsiya

Aktibistang pastor, itinumba

-
TACLOBAN CITY – Dalawa-katao kabilang na ang aktibistang pastor na pinaniniwalaang chairman ng Eastern Visayas chapter ng grupong Bayan Muna ang pinagbabaril hanggang mapatay ng mga hindi kilalang lalaki habang nakikipaglibing ang mga biktima noong Huwebes ng hapon sa Sitio Motor, Barangay Crossing sa bayan ng San Isidro, Leyte.

Dalawang tama ng bala sa ulo at dibdib ang tumapos sa buhay ni Rev. Peter Edison Lapuz, 39, pastor ng relihiyong protestante na United Church of Chirst in the Philippines (UCCP) sa nabanggit na lungsod habang si Alfredo Manilao na lider naman ng radical party-list group Bayan Muna ay tinamaan ng ligaw na bala ng baril sa dibdib.

Si Lapuz na aktibong miyembro ng human rights group, Karapatan ay itinumba dakong alas-5:30 ng hapon habang nakikipaglibing sa yumao na biyanang lalaki sa nabanggit na barangay.

Base sa pahayag ni Rev. Fr. Allan Jose Arcebuche, OFM, national chairman ng Promotion of Church People’s Response (PCPR), bago patayin si Rev. Lapuz ay minamatyagan na ng militar ang kanyang ikinikilos.

Napag-alaman ng PCPR na ang pangalan ni Rev. Lapuz ay nakasama sa military’s order-of-battle partikular na ang larawan nito na naka-display sa kampo ng PNP Regional Mobile Group sa Eastern Visayas.

Si Pastor Lapuz ay ikatlong lider ng Bayan Muna sa Eastern Visayas region ang pinatay sa loob lamang ng tatlong buwan, habang apat na provincial coordinators naman sa Samar ang himalang nakaligtas sa serye ng asasinasyon. Itinanggi naman ng military ang akusasyon ng militanteng grupo na sangkot sila sa pagpatay ng kanilang lider. (Ulat nina Miriam Desacada,Benjie Villa at Danilo Garcia)

ALFREDO MANILAO

ALLAN JOSE ARCEBUCHE

BARANGAY CROSSING

BAYAN MUNA

BENJIE VILLA

DANILO GARCIA

EASTERN VISAYAS

LAPUZ

MIRIAM DESACADA

PETER EDISON LAPUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with