3 sugatan sa warning shot
May 13, 2005 | 12:00am
CAVITE Tatlo-katao na pinaniniwalaang nagnanakaw ng ilang ari-arian ng eskuwelahan ang nasugatan makaraang tamaan ng mga slug mula sa warning shot ng isang kagawad ng pulisya sa Barangay San Roque, Naic, Cavite kamakalawa. Ginagamot sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang mga biktimang sina Jefferson Sacro, 19; Davidson Sacro, 20; at Emerson Sugatan na pawang naninirahan sa nabanggit na barangay. Sumuko naman ang suspek na si SPO2 Martin Panganiban. Sa ulat ni PO2 Dario Carangalan, namataan ni SPO2 Panganiban ang tatlo na nagnanakaw kaya siya bumaba ng traysikel at nag-warning shot, subalit tumama ang mga bala sa pader at nasabugan ang tatlo. (Ulat ni Lolit Yamsuan)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest