Si Arcillas, 63 at security escort nitong si PO2 Erwin Rivera, ay napatay matapos pagbabarilin ng tatlong salarin sa loob ng Santa Rosa City Hall noong Martes ng umaga na kinasugat ng dalawa pang bodyguard ng alkalde.
Ang nasabing hepe ay sinibak alinsunod sa maigting na pagpapatupad ng command responsibility matapos na mabigo ang mga itong mapigilan ang krimen at maharang ang mga killer.
Ipinalit naman kay Vera Cruz si Supt. Pastor de Guzman ng Laguna Provincial Police Office.
Kasabay nito, pinaiimbestigahan ni Lomibao ang pito pang close-in security escorts ni Arcillas matapos na mabigong ipagtanggol laban sa tatlong salarin.
Sinabi ni Lomibao na si Arcillas ay pinagbabaril sa 2nd floor ng hallway ng city hall annex dakong alas-10:30 ng umaga matapos na magsagawa ng mass wedding sa 15 magsing-irog ang alkalde.
Itinanggi kahapon ng New Peoples Army (NPA) ang paratang na sila ang responsable sa pagpaslang kay Sta. Rosa City Mayor Leon Arcillas.
"Hindi NPA red fighters ang killer ni Mayor Arcillas, hindi kami ang pumatay sa kanya," pahayag ni NPA Spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal matapos ang inisyal na isinagawa niyang beripikasyon sa kanyang mga kasamahan sa communist movement.
Sa kabila nito, sinabi ni Ka Roger na hinihintay pa niya ang opisyal na report mula sa grupo ng mga rebelde na nakabase sa lalawigan ng Laguna.
Nabatid na ang Task Force Arcillas ay pamumunuan ni Sr. Supt. Federico Terte upang mapabilis ang pagresolba sa krimen at mapanagot ang mga salarin. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)