^

Probinsiya

Hepe ng pulisya ng Sta. Rosa sinibak dahil pabaya

-
CAMP CRAME – Sinibak kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Arturo Lomibao si Sta. Rosa police chief Supt. Joselito Vera Cruz matapos na mabigong i-secure ang pinaslang na si Mayor Leon Arcillas na naganap sa mismong gusali ng pamahalaang lungsod kamakalawa.

Si Arcillas, 63 at security escort nitong si PO2 Erwin Rivera, ay napatay matapos pagbabarilin ng tatlong salarin sa loob ng Santa Rosa City Hall noong Martes ng umaga na kinasugat ng dalawa pang bodyguard ng alkalde.

Ang nasabing hepe ay sinibak alinsunod sa maigting na pagpapatupad ng ‘command responsibility’ matapos na mabigo ang mga itong mapigilan ang krimen at maharang ang mga killer.

Ipinalit naman kay Vera Cruz si Supt. Pastor de Guzman ng Laguna Provincial Police Office.

Kasabay nito, pinaiimbestigahan ni Lomibao ang pito pang close-in security escorts ni Arcillas matapos na mabigong ipagtanggol laban sa tatlong salarin.

Sinabi ni Lomibao na si Arcillas ay pinagbabaril sa 2nd floor ng hallway ng city hall annex dakong alas-10:30 ng umaga matapos na magsagawa ng ‘mass wedding’ sa 15 magsing-irog ang alkalde.

Itinanggi kahapon ng New People’s Army (NPA) ang paratang na sila ang responsable sa pagpaslang kay Sta. Rosa City Mayor Leon Arcillas.

"Hindi NPA red fighters ang killer ni Mayor Arcillas, hindi kami ang pumatay sa kanya," pahayag ni NPA Spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal matapos ang inisyal na isinagawa niyang beripikasyon sa kanyang mga kasamahan sa communist movement.

Sa kabila nito, sinabi ni Ka Roger na hinihintay pa niya ang opisyal na report mula sa grupo ng mga rebelde na nakabase sa lalawigan ng Laguna.

Nabatid na ang Task Force Arcillas ay pamumunuan ni Sr. Supt. Federico Terte upang mapabilis ang pagresolba sa krimen at mapanagot ang mga salarin. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)

ARCILLAS

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

ED AMOROSO

ERWIN RIVERA

FEDERICO TERTE

JOSELITO VERA CRUZ

JOY CANTOS

KA ROGER

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE

LOMIBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with