3 kawatan ng motorsiklo timbog

BULACAN — Tatlong sibilyan ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya makaraang makumpiskahan ng limang nakaw na motorsiklo sa kanilang pinagkukutaan sa Barangay Barangca, Baliuag, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Jolly Dizon, ang mga suspek na sina Rogelio Reyes, 29; Jolan Relis, 33 at ang asawa nitong si Nenita, 35, na pawang residente sa Barangay Sabang sa nasabing bayan. May nakapagbigay ng impormasyon sa pulisya na ang mga ninakaw na motorsiklo ay nasa bodega ng mga suspek kaya sinalakay ito. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments