Kabilang sa mga presong tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Joseph Anare; Melchor Biliran; Junivie Dias; Julieto Lumbayong; Warwar Mansan; Randy Perocho; Gedage Odo; Aner Guiniran; Reynaldo Tanguamos; Albert Villamor at Jesse Victoria.
Sa ulat, bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang wasakin ng mga preso ang rehas na bakal at nadiskubre lamang ang jailbreak matapos na magsagawa ng head counts ang jail warden. (Ulat ni Joy Cantos)