Sa ulat kahapon ni P/Supt. Achibald Afan, hepe ng CIDG-Santiago City, kinilala ang mga suspek na sina Virgilio Fajardo, 32; Diosdado Valera, 39; Don Mallari, 26; Boy Galleges, 34; Orlando Pascua, 35; Rey Sebastian, 28; Manuel Garay, 30; Rolando Almazan, 38; Vicente Lagmay, 21; Miguel Hilario, 27; Samuel Bungaoang, 37; at Roberto Garcia, 29.
Napag-alamang, sinalakay ng mga awtoridad ang bolahan ng jueteng sa Barangay Dubinan West, Santiago City na nagresulta sa pagkadakip ng unang anim na mga suspek kasunod naman ng kanilang pagsalakay sa isa pang bolahan ng jueteng sa Barangay Lapaz sa bayan ng Saguday, Quirino dakong alas-7 ng gabi na nagresulta din sa pagkadakip ng lima pang mga suspek.
Narekober ang mga gamit sa jueteng kabilang ang P4,035.00 na koleksyon ng mga empleyado ng sugal.
Sa kabila rin ng maiinit na isyu tungkol sa jueteng ay nagbubulag-bulagan ang mga jueteng operators kayat patuloy pa rin ang kanilang operasyon. (Ulat ni Victor Martin)