^

Probinsiya

22 tinedyer nalason sa kamoteng kahoy

-
CAMP CRAME – Dalawampu’t dalawa katao na kalahok sa church-sponsored youth camp ang nalason makaraang kumain ng minatamis na kamoteng kahoy sa Cauayan, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Ang mga biktima na isinugod sa pagamutan matapos makaranas ng pangangati ng lalamunan, pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo.

Base sa ulat, dakong alas-7 ng umaga nang dumaing ang mga biktima na pagsama ng kanilang pakiramdam ilang minuto matapos kumain ng alupi, isang katutubong kakanin na gawa sa cassava.

Nabatid na ang minatamis na kamoteng kahoy na kinain ng mga biktima ay binili sa isang vendor.

Ang mga biktima ay kalahok sa 5-araw na summer youth camp na ginaganap sa New Life Camp sa Brgy. Islo na inisponsoran ng Mountain Baptist Churches Ambassadors for Christ kung saan may 450 ang lumahok dito.

Kabilang sa mga isinugod sa pagamutan ay sina Mylene Sibugan, 17, ng Brgy. Carol-an, Kabankalan City; Ermito Rivera, 18; Benjie Alfonso, Remily Jaime, 22 atbp.

Maliban sa pitong kabataan na nagkaka-edad 17 hanggang 21-anyos ay pinalabas na sa pagamutan ang 15 sa mga nalasong biktima matapos ang mga itong mabigyan ng pangunahing lunas. (Ulat ni Joy Cantos)

BENJIE ALFONSO

BRGY

ERMITO RIVERA

JOY CANTOS

KABANKALAN CITY

MOUNTAIN BAPTIST CHURCHES AMBASSADORS

MYLENE SIBUGAN

NEGROS OCCIDENTAL

NEW LIFE CAMP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with