Trader dinukot sa harap ng KTV bar

BINANGONAN, Rizal — Isang 58-anyos na trader ang iniulat na dinukot ng anim na hindi kilalang lalaki sa harap ng pag-aari nitong KTV bar na sakop ng Barangay Pag-asa ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Arturo Picones na may ari ng Dynasour KTV Bar and restaurant sa kahabaan ng Manila East Road ng nabanggit na barangay.

Napag-alamang naganap ang insidente bandang alas-2:30 ng madaling-araw habang papasakay ng kotse ang biktima kasama ang misis nito sa harap ng nasabing KTV.

Wala pang malinaw na motibo ang nasisilip ng mga imbestigador ng pulisya sa naganap na insidente. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments