2 kilong pampasabog nasabat
May 1, 2005 | 12:00am
CAVITE Aabot sa dalawang kilong pampasabog na may kasamang 15,000 blasting caps mula sa Cebu ang nasabat ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Office sa Purok 5 sa Barangay Hulugan, Tanza, Cavite kahapon ng umaga. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cesar Mangrobang ng Imus Regional Trial Court, Branch 20 ay sinalakay ang bahay ng mag-asawang Melchor at Mirasol Gonzaga bandang alas-5 ng umaga. Sa pahayag ni P/Chief Inspector Madzgani Mukaram, hepe ng CIDG provincial office, nalusutan ang kompanyang LBS makaraang ipadala ang dalawang kahon ng pampasabog ng isang nagngangalang Edmarie Valbuena ng Talisay, Cebu kay Avelina Gonzaga na ngayon ay nasa custody ng CIDG-Cavite.
Ayon kay Mukaram, ang pagkakasabat ng mga pampasabog ay sanhi ng pakikipagtulungan at naibigay na impormasyon ng mga kapitbahay ng mag-asawang Gonzaga. Posibleng gamitin ang pampasabog sa gagawing malawakang rally sa Kamaynilaan ngayong Mayo 1. (Ulat nina Mario D. Basco at Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest