^

Probinsiya

Bala, sinalo ng anak

-
CAVITE — Isang 12-anyos na lalaki ang umako ng kamatayan na sana’y sa kanyang amain matapos na pagbabarilin ng kapitbahay habang magkasalong kumakain ang biktima at amain nito sa sariling bahay sa Sitio Baliktid na sakop ng Barangay Santiago, General Trias, Cavite kamakalawa.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Lester Ilas matapos na masapol ng bala ng M16 Armalite rifle sa batok, habang nakaligtas naman ang amain na si Valentine Pernalla na pinaniniwalaang wanted sa kasong murder may isang buwan na ang nakalipas, ayon sa ulat ng pulisya.

Napag-alaman kay PO1 Melencio Malomay III, na kaarawan ng biktima kaya dumalaw ang amain nito at magkasalong naghapunan bandang alas-7:30 kamakalawa ng gabi.

Ayon pa sa ulat, natiktikan ng suspek na si Franco Javier na dumalaw si Valentine sa kanyang anak sa nabanggit na barangay kaya tinungo nito ang bahay.

Nang mamataan ng suspek si Valentine ay agad na nagpakawala ng sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa tamaan ang biktima.

May paniniwala si P/Chief Inspector Conrado Gongon, police chief ng General Trias PNP na pinaghigantihan ng suspek si Valentine na pinaniniwalaang pumatay sa kanyang asawang si Sarina Javier dahil sa pinag-awayang lupa. (Ulat nina Lolit Yamsuan at Cristina Timbang)

vuukle comment

BARANGAY SANTIAGO

CHIEF INSPECTOR CONRADO GONGON

CRISTINA TIMBANG

FRANCO JAVIER

GENERAL TRIAS

LESTER ILAS

LOLIT YAMSUAN

MELENCIO MALOMAY

SARINA JAVIER

SITIO BALIKTID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with