Drayber pinatay sa gulpi

CAMARINES NORTE — Pinatay sa gulpi ang isang 19-anyos na traysikel drayber ng mga istambay na kalalakihan makaraang makasagasa ang una ng apat-katao sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay San Isidro sa bayan ng Talisay, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay habang ginagamot sa Lourdes Hospital ang biktimang si Rodel Barena ng Barangay Calintaan, habang sugatan naman ang kasamahan nitong si Argen Aurella. Sugatan naman ang nahagip ng traysikel na si Loreto Ramos, 44; mga anak na sina Lorence, Danilo Rafer at Edgar Bernandino. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments