Sa isinumiteng ulat ni P/Supt. Saadra Gani, police chief ng Sorsogon sa Sangguniang Panlalawigan, Kabilang sa tatlong pangalan na na-monitor ng pulisya ay sina Jovic Duran ng Barangay Talisay, Sorsogon City; Arvin Liao, barangay chairman ng Brgy. Piot at Leoncio Lim ng bayan ng Gubat, Sorsogon.
Agad namang umaksyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at nagpasa ng resolusyon na nagpapatigil sa operasyon ng jueteng sa nasasakupang lalawigan.
Napag-alamang ipinadala na kay DILG Sec. Angelo Reyes ang resolusyon, kalakip ang ulat ni Saadra tungkol sa tatlong jueteng operator para mapabilis ang aksyon laban sa nasabing sugal. Kasunod nito ay ipinag-utos na rin ng Malakanyang sa kapulisan ang pagpapatigil ng jueteng sa Camarines Norte matapos na matanggap ang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan na may numero 2005-078. Magugunitang lumawak ang operasyon ng jueteng sa labing-apat na bayan at isang lungsod sa Sorsogon, Camarines Norte, Albay, Catanduanes at Camarines Sur hanggang sa hindi masawata ng kapulisan. (Ulat ni Ed Casulla)