^

Probinsiya

Pulis, 3 pa patay sa bus holdap

-
Apat katao kabilang ang isang pulis ang nasawi matapos na makipagbarilan ang huli sa limang armadong kalalakihan na nangholdap sa isang pampasaherong bus sa lalawigan ng Laguna kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina SPO3 Norman Correa, nakatalaga sa Roxas Police sa Oriental Mindoro; Elizalde Badilla, 32, isang sibilyang pasahero at residente ng Mayon St., Paco, Manila.

Isa sa mga holdaper ay nakilala sa pamamagitan ng kaniyang identification card na si Frank Avila at namatay naman habang nilalapatan ng lunas sa Perpetual Help Hospital sa Biñan, Laguna ang isa pa nitong kasamahan na si Jim Banigo-os, Galangue.

Bandang alas-11 ng umaga habang bumabagtas ang Tritran-Jam Transit na may plakang DVX-988 sa kahabaan ng highway ng Biñan, Laguna ng magdeklara ng holdap ang mga suspect.

Biglang binunot ni Correa na noon ay nakasibilyan ang kaniyang baril at pinaputukan ang isa sa mga holdaper pero gumanti ng putok ang iba nitong mga kasamahan kung saan nasugatan ang dalawang iba pa na sina Aida Gorrospe at ama ng pulis na si Jose Correa na kapwa idineklarang nasa ligtas ng kalagayan. (Ulat nina Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos)

vuukle comment

AIDA GORROSPE

ARNELL OZAETA

ED AMOROSO

ELIZALDE BADILLA

FRANK AVILA

JIM BANIGO

JOSE CORREA

JOY CANTOS

MAYON ST.

NORMAN CORREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with