Gayunman, kasalukuyan pang beneberipika ang pagkakakilanlan ng mga napatay na bandido.
Sa ulat ni Brig. Gen. Alexander Aleo, Chief ng Joint Task Force Comet, naitala ang engkuwentro sa bisinidad ng nasabing lugar bandang alas-6 ng umaga.
Napilitan namang umatras sa sagupaan ang mga bandido matapos na mapaslang ang dalawa sa kanilang mga kasamahan.
Nabatid na ang engkuwentro ay naganap, isang araw matapos na masapul sa patibong na landmine ng mga bandido ang M35 truck na kinalululanan ng tropa ng militar na ikinasawi ng dalawang sundalo habang 8 pa ang nasugatan sa kanugnog na bayan ng Maimbung, Sulu.
Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations laban sa nalalabi pang miyembro ng Abu Sayyaf na namumugad sa nasabing lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)