Konsehal tinodas ng kabaro

BULACAN Pinaniniwalaang matinding galit ang isa sa naging dahilan kaya pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang 51-anyos na konsehal ng barangay ng kanyang kabaro makaraang magsalubong ang dalawa sa bahaging sakop ng Barangay Partida sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa.

Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktimang si Juanito del Rosario, samantalang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Rodrigo Santos. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments