P2-M marijuana nasamsam
April 25, 2005 | 12:00am
Camp Crame Umaabot sa mahigit P2-M halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad matapos ang isinagawang marijuana eradication operation sa bulubunduking bahagi ng Sugpon, Ilocos Sur, ayon sa ulat kahapon. Batay sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang salakayin ng pinagsanib na elemento ng Ilocos Sur Provincial Police Office (PPO), 104th Police Mobile Group at Sugpon Police Station ang isang malawak na plantasyon ng marijuana sa kabundukan ng Brgy. Luccungan, Sugpon ng lalawigang ito.
Nasamsam sa lugar ang may 11, 500 puno ng marijuana at bultu-bulto ng mga binhi na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon. (Joy Cantos)
Nasamsam sa lugar ang may 11, 500 puno ng marijuana at bultu-bulto ng mga binhi na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest