Mag-ama niratrat ng sekyu, 1 dedo, isa pa grabe

Taytay, Rizal – Patay ang isang 48 anyos na ama samantalang nasa grabe namang kondisyon ang anak nitong barangay tanod makaraang pagbabarilin ang mga ito ng nakaalitang security guard sa isang subdibisyon sa Brgy. Dolores, ng bayang ito kahapon ng umaga.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Roberto Baisan, mason, habang kritikal naman sa pagamutan ang anak nitong si Romulo Baisan, 24; pawang residente ng #525 Greendale Subdivision, Brgy. Dolores ng nabanggit na bayan.

Base sa ulat ni PO1 Elvis Arellano, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa harapan ng gate ng nasabing subdibisyon matapos na magtalo ang suspek at ang mga biktima kung saan napikon ang sekyu at pinagbabaril ang mag-ama.

Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Eduaro Bibbo , 28, sekyu sa naturang subdibisyon na humihimas na ngayon ng rehas na bakal. (Edwin Balasa)

Show comments