Nakipagtalo sa ama, nagbigti

CAVITE — May posibilidad na matinding hinanakit sa kanyang ama kaya nagdesisyong magbigti ng isang 23-anyos na binata sa sariling bahay sa Barangay Kabilang Baybay sa bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa. Halos sampung oras ang nakalipas nang madiskubre ang nakabiting bangkay ni Rodelio Caratihan. Ayon kay PO2 Richard Mojica, huling namataan ang biktima na nakipagtalo sa sariling ama hanggang sa pumasok ng kanyang kuwarto at nag-suicide. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments