Trader dedo sa holdaper

BULACAN — Pinagbabaril hanggang mapatay ang isang 46-anyos na trader ng tatlong armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo makaraang harangin ang biktimang lulan ng Isuzu Fuego at bumabagtas sa kahabaan ng Pulilan-Plaridel Road na sakop ng Barangay Banga 2nd, Bulacan kamakalawa.

Tinangay ng mga holdaper ang P.2 milyong winidraw sa bangko ng biktimang si Gerardo Magnawa ng Barangay Tumana, Sta. Maria, Bulacan. Ayon kay P/Supt. Felix Arthur Asis, hepe ng PNP Plaridel, ang biktima na lulan ng sasakyan na may plakang WTH-276 ay pinaputukan ng mga holdaper matapos na hindi tumigil. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments