Gasolinahan sa Cavite hinoldap
April 19, 2005 | 12:00am
CAVITE Isa na namang gasolinahan ang hinoldap at ikinasugat ng security guard matapos na manlaban sa mga holdaper kamakalawa sa Barangay Langkaan I sa bayan ng Dasmariñas, Cavite.
Sa ulat ni PO2 Valero Bueno, dakong alas-12 kamakalawa ng hatinggabi nang holdapin ng mga hindi kilalang lalaki na sakay ng kulay itim na van ang Petron Gasoline Station matapos na magpanggap na mga kostumer sa convenience store.
Habang nililimas ang mga personal na gamit ng empleyado at cash sa kahera ay namataan ng sekyu na si Jaafar Nurosin ang mga holdaper kaya nakipagbarilan ito hanggang sa tamaan sa hita.
Kahit may tama sa katawan ang security guard ay patuloy pa rin itong nakipagbarilan hanggang sa umatras ang mga holdaper na bitbit ang mga ninakaw.
Agad namang sinugod sa JP Rizal Hospital si Jaafar Nurosin, habang nakilala naman ni Jennifer Labasan, supervisor ng nasabing gasolinahan ang isa sa mga suspek si Daniel Davis y Aprienda matapos na ipakita ng pulisya ang mga larawan ng mga notoryus na holdaper. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest