Halos sumabog ang mukha ng biktimang si Petronilla Bianzon ng Phillipians Subd. Sa Barangay San Juan ng bayang ito.
Samantalang ang mga holdaper na sakay ng motorsiklo ay agad na tumakas matapos na tangayin ang bag ng biktima na naglalaman ang P25,000 na pinaniniwalaang kinita sa buong maghapong pagtitinda.
Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8 ng gabi habang nakatayo ang biktima sa harap ng pamilihang bayan sa San Mateo Street sa nabanggit na barangay nang lapitan ng mga hindi kilalang lalaking lulan ng motorsiklo.
Tinangkang hablutin ng isa sa tatlong holdaper ang bag ng biktima, subalit nanlaban ito kaya pinaputukan sa mukha saka pinaharurot ang motorsiklo sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Edwin Balasa)