^

Probinsiya

Ex-judge natagpuang patay, katulong kritikal

-
Binangonan, Rizal – Isang retiradong hukom ang natagpuang patay habang kritikal naman ang babaeng katulong nito sa loob ng kuwarto ng una sa Brgy. Pag-asa ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi sanhi ng isang tama ng bala sa kanang dibdib mula sa caliber .45 pistol na si ret. Judge Percival Lopez, 71, biyudo samantalang agaw buhay naman sa Angono Medical Center ang katulong nitong si Maricel Carino, 24, na nagtamo naman ng isang tama ng bala sa tiyan; pawang residente ng Village East III, Brgy. Pag-asa ng nasabing bayan.

Sinabi ni Rizal Provincial Police Director Sr. Supt. Leocadio Santiago Jr., nadiskubre ang krimen dakong alas-6 ng gabi sa loob ng kuwarto ng dating hukom na matatagpuan sa ikalawang palapag ng nasabing tahanan.

Nakuha sa lugar ang isang cal. 45 pistol na pag-aari ng nasawing huwes. Samantalang suicide o homicide naman ang sinisilip na anggulo sa krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANGONO MEDICAL CENTER

BINANGONAN

BRGY

EDWIN BALASA

JUDGE PERCIVAL LOPEZ

LEOCADIO SANTIAGO JR.

MARICEL CARINO

PAG

RIZAL PROVINCIAL POLICE DIRECTOR SR. SUPT

VILLAGE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with