Bayan Muna coordinator itinumba
April 17, 2005 | 12:00am
TACLOBAN CITY Isa na namang coordinator ng Bayan Muna sa Mahaplag, Leyte ang tinambangan at napatay, samantala ang asawa nito ay malubhang nasugatan sa naganap na karahasan sa bahagi ng Sitio San Vicente sa Barangay Mahayag, Mahaplag kamakalawa.
Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos buhay ni Alfredo Davis, 38, habang ang misis nitong si Imelda ay nasa kritikal na kondisyon sa Betany Hospital sa Tacloban City.
Ang mag-asawang Davis, nagsisilbing interpreter at stenographer ng Bayan Muna sa Leyte at kapwa residente ng Barangay Malinao sa bayan ng Mahaplag ay tinambangang ng dalawang lulan ng motorsiklong walang plaka habang ang mga biktima ay sakay ng multicab.
Sa pahayag ni Ricardo Davis, utol ni Alfredo na ang nakatatanda nilang kapatid na si Bonifacio ay dating miyembro ng SAGUPA (Samahan sa Gudti Mag-uuma). Subalit wala silang malay na kasapi pala ng Bayan Muna ang nasabing biktima.
Nananatiling blangko ang mga imbestigador ng pulisya sa kaso ng mag-asawang inambus bandang alas-8:45 ng umaga. (Ulat nina Miriam Desacada at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest