Buy-bust: 2 dedo, 2 sugatan

CAVITE — Dalawang lalaki na pinaniniwalaang notoryus drug pusher ang kumpirmadong nasawi habang dalawa namang pulis ang nasugatan sa nakaraang engkuwentro sa isinagawang buy-bust operation sa panulukan ng Barangay San Esteban at Datu Esmael sa Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang isa sa nasawi na si Tahir Caladan, alyas Tahir Omar, 34, na may kasong murder.

Ginagamot naman sa UMC Hospital sina SPO1 Richard Ibao at PO2 Rady De Jesus. Ayon kay Dasmariñas police chief P/Chief Insp. Antonio Yarra, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya laban sa mga suspek, subalit nakatunog kaya nakipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya. (Ulat ni Cristina Timbang)

Show comments