2 patay sa road mishap

PAGBILAO, Quezon — Dalawang sibilyan ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang mahagip ng owner-type jeep na tumilapon dahil sa pagkakasalpok ng trak sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Sitio Pulong Guiting sa Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa binawian ng buhay ay sina Myrna de la Torre, 36 at Rommel Lanosa, habang nasa kritikal na kondisyon si Jodel Lanosa, 10. Sa imbestigasyon ni PO3 Allan Falqueza, naglalakad ang mga biktima sa gilid ng nasabing highway nang mahagip ng sasakyan na may plakang WLJ-864 na minamaneho ni Edgardo Regencia ng Malunay, Quezon. (Ulat nina Tony Sandoval)

Show comments