Paslit natusta sa sunog

CAVITE — Maagang kinalawit ni kamatayan ang isang paslit na babae makaraang matusta sa loob ng kanilang bahay na nasunog sa Purok 1, Sabang, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Halos hindi na makilala ang biktimang si Nene Valerio, isa’t kalahating taong-gulang nang natagpuan sa naabong bahay, ayon kay SFO1 Arnel Garcia ng Bureau of Fire Protection sa Dasmariñas.

Base sa ulat, aksidenteng nagliyab ang gasera sa loob ng bahay ng biktima, dakong alas-8:20 at mabilis na tumakbo palabas ng bahay si Ronel, 8, utol ng biktima. Dahil sa pagkalito ay naiwan ang kanyang utol at tuluyang nilamon ng apoy ang buong bahay. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

Show comments