Misis nanlaban sa holdaper, grabe

CAVITE — Nasa kritikal na kondisyon ang isang misis makaraang barilin sa mukha ng hindi kilalang lalaki na nangholdap sa biktima kasama ang kanyang utol habang sakay ng pampasaherong dyip sa kahabaan ng Gen. Aguinaldo Highway na sakop ng Barangay Real 2, Bacoor, Cavite kamakalawa. Kasalukuyang ginagamot sa Imus Medical Center ang biktimang si Elena Sayson habang hindi naman nasugatan ang kaniyang kapatid na si Ermelita Pelaes na kapwa residente ng Bayanihan St., Andrea Executive Village, Brgy. Salitran, Dasmariñas, Cavite. Ayon kina PO2 Clarence Erese at PO2 Joel Malinao, natangayan ang biktima ng P10,000 at USD700 na winidraw sa PNB. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

Show comments